Philippine Embassy sa Libya, nagtakda na ng deadline sa registration ng OFWs para sa posibleng contingency plan

Nagtakda na ng deadline ang Philippine Embassy sa Libya para sa registration ng mga Pinoy doon.

Ito ay bilang paghahanda para sa posibleng contingency plan sakaling magpatuloy ang kaguluhan doon.

Sakop ng pagpapatala ang mga dokumentado at hindi dokumentadong mga Pinoy sa Libya.


Ayon sa Philippine Embassy, tatapusin na nila sa November 26 ang registration para masimulan na nila ang pagbuo ng mga mekanismo.

Nagpapatuloy rin ang pag-iikot ng mga tauhan ng embahada sa mga lugar na pinagtatrabahuhan ng Overseas Filipino Workers (OFWs) doon para alamin ang kanilang kalagayan.

Facebook Comments