Higit 50 aplikante, na-hire on the spot sa Mega Job Fair ng Caloocan City PESO katuwang ang DZXL Radyo Trabaho

Umaabot agad sa higit 50 aplikante ang na-hired on the spot sa isinasagawang Mega Job Fair sa Caloocan City Sports Complex.

 

Ito’y sa pamamagitan ng Caloocan City Public Employment Service Office (PESO) katuwang ang DZXL Radyo Trabaho.

Karamihan sa mga natanggap sa trabaho ay papasok na bilang service crew, sales staff, helper, maintenance, office clerk at may natanggap din sa abroad.


Nasa ‌52 na kompanya, agency at overseas ang nakibahagi sa Mega Job Fair kung saan nasa 6,500 na trabaho ang inaalok dito.

Magtutuloy-tuloy naman ang mega job fair hanggang mamayang alas-3:00 ng hapon kung saan ang DZXL Radyo Trabaho ay naghahanap din ng ating makakasamang Digital Media Assistant at ilan na rin na indibidwal ang nag-apply na.

Facebook Comments