Philippine Embassy sa Malaysia, nagbukas ng Book of Condolences para sa mga Pinoy na makikiramay sa pagpanaw ni dating Pangulong Ramos

Nagbukas ng Book of Condolences ang Philippine Embassy sa Malaysia para sa mga Pilipino doon na nais magpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng yumaong dating Pangulong Fidel V. Ramos

Ito ay sa pamamagitan ng online kung saan maaaring maglagay ng kanilang mensahe para sa dating Pangulong Ramos, ang Filipino community sa Malaysia.

Ang mga mensahe ng mga Pinoy ay ipapadala naman sa Pamilya Ramos.


Ang Book of Condolences ay mananatili hanggang sa August 9 o sa araw ng paghahatid kay FVR sa huling hantungan.

Samantala, nagpaalala naman ang Philippine Embassy sa Bahrain sa mga Pinoy doon na hanggang sa Martes na lamang ang National Mourning para kay dating Pangulong Ramos

Facebook Comments