Higit sa 2,900 aftershocks, naitala ng PHIVOLCS na may kaugnayan sa magnitude 7 na lindol sa Abra

46

Patuloy na nakakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng mga aftershocks kasunod ng tumamang magnitude 7 na lindol sa Tayum, Abra.

Batay sa monitoring ng PHIVOLCS hanggang kaninang alas-12:00 ng tangahali, aabot na sa 2,903 ang naitala aftershocks na may lakas na mula magnitude 1.4 hanggang 5.1.

Nasa 929 ang naka-plot na aftershocks o natukoy ang lokasyon ng tatlo o higit pang istasyon sa episentro ng mainshock habang 60 ang naramdaman


Kabilang dito ang magnitude 2 na natunton 4 kilometro ng timog-kanluran ng Manabo Abra kaninang alas-11:26 ng umaga na may lalim na 5 km at tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.

Pinayuhan ng PHIVOLCS ang publiko na manatiling mapagbantay dahil ang mga aftershocks ay maaaring maganap sa mga susunod pang mga araw.

Facebook Comments