Philippine Embassy sa Oman, may paalala sa OFWs na non-OWWA members na sasama sa repatriation flights

Nagpaalala ang Philippine Embassy sa Oman sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na hindi Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) members na sasabay sa repatriation flights.

Ayon sa embahada, kailangang magpakita ng kopya ng employment contract at working visa o ‘di kaya ay labor card ang OFWs na non-OWWA member.

Kailangan ding magtungo sila sa paliparan sa Oman tatlong oras bago ang kanilang flight para sa check-in at pre-departure procedures.


Habang ang OFWs naman na nabigyan ng Oman government ng amnestiya ay pinapayuhan ng Philippine embassy na magtungo sa airport pitong oras bago ang departure para sa pag-comply sa procedures.

Sa August 10 at 25 ang susunod na schedule ng repatriation flights para sa stranded OFWs sa Oman.

Facebook Comments