Philippine Embassy sa Qatar, tiniyak ang tulong sa mga Pinoy na inaresto matapos ang demonstrasyon

Tiniyak ng Philippine Embassy sa Doha na nakikipag-ugnayan na sila sa mga awtoridad sa Qatar.

Ito ay para mabigyan ng consular assistance ang mga Pilipinong dinakip sa Qatar dahil sa pagsasagawa ng political demonstration.

Muli namang nagpaalala ang Philippine Embassy sa mga Pinoy roon na igalang ang batas at kultura ng Qatar sa pagsasagawa ng mass demonstration


Tiniyak naman ni Department of Foreign Affairs o DFA Undersecretary Eduardo de Vega na tinututukan nila ang kaso ng 17 inarestong mga Pinoy.

Facebook Comments