
Nananawagan si Bicol Saro Party-list Representative Brian Yamsuan sa mga lokal na pamahalaan na hikayatin ang mga Micro and Small Enterprises (MSEs) na gumamit ng digital payment system.
Sabi ni Yamsuan, maaaring makipag-partner ang mga local government unit sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Department of the Interior and Local Government (DILG) para matulungan ang mga Micro & Small Enterprises (MSEs) na maka-adopt sa cashless payment systems.
Diin ni Yamsuan, makakatulong ito para mapataas ang kita ng mga maliliit na negosyo at mapalawig ang access nila sa pautang at iba pang financial services bukod sa mapapadali din ang pagbabayad nila ng government fees tulad ng permits.
Katwiran ni Yamsuan, mas lamang ang mga market vendor, food cart owner at iba pang MSEs na nag-aalok ng cashless payment dahil marami na ang gumagamit ng e-wallets ngayon.