Tuesday, March 24, 2026

Philippine Embassy sa Riyadh, naka-abang na rin sa OFWs na tatawid mula Kuwait, Bahrain, at Qatar

Nakaabang na rin ang Philippine Embassy sa Riyadh sa iba pang mga Pilipinong tatawid sa Saudi Arabia mula sa iba’t ibang bansa sa Middle East.

Partikular ang mga Pinoy na lumilikas mula Kuwait, Bahrain, at Qatar.

Mula Riyadh, sasakay naman ng flight ang mga repatriates pauwi ng Pilipinas.

Patuloy ang ugnayan ng Philippine Foreign Service Posts sa Middle East para mapabilis ang pagtulong sa mga Pilipinong naiipit sa kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Kahapon, dumating sa bansa ang 343 Filipinos mula sa iba’t ibang bansa sa Middle East.

Karamihan sa kanila ay OFWs, ilang dependents, at 50 Pinoy tourists na naabutan ng giyera sa rehiyon.

Facebook Comments