
Ikinalugod ng Philippine Team sa United Arab Emirates ang naging pagsisilbi nila sa dating Pangulong Rodrigo Duterte sa layover nito sa Dubai.
Kabilang sa naipadala sa loob ng eroplano sa Tarmac, ng Philippine Embassy sa Abu Dhabi, gayundin ng Philippine Consulate General sa Dubai, at ng Office of the Philippine Defense and Armed Forces Attaché ay ang kahilingang hot rice meals ng dating pangulo na makakain niya habang patungo ng The Netherlands.
Naghanda rin ang Philippine Team ng standby ambulance na fully equipped ng medical supplies, oxygen tank, mga kumot at pagkain.
Ang naturang ambulansya ay ipinuwesto mismo malapit sa aircraft para matiyak na mas mabilis itong makakaresponde sa posibleng pangangailangan.
Inasikaso rin ng team ang diplomatic at aviation clearances kaugnay ng technical stop ng aircraft sa Al Maktoum International Airport.