Philippine Embassy sa Washington, D.C., kinumpirmang walang Pinoy na nadamay sa aircraft crash malapit sa Reagan National Airport sa US

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Washington, D.C. na walang Pilipinong nadamay sa aksidente sa himpapawid sa Potomac River malapit sa Reagan National Airport sa America.

Partikular ang nangyaring banggaan ng military helicopter commercial jet sa US.

Sa kabila nito, patuloy na naka-monitor ang Embahada ng Pilipinas sa development sa nasabing insidente.


Ito ay lalo na’t nagpapatuloy pa ngayon ang search and rescue operations sa naturang aksidente.

Sa ngayon, nakakalat na ang rescue boats sa Potomac River bilang bahagi ng search and rescue operations.

Facebook Comments