Philippine envoy, umaasang kikilalanin ni Biden ang arbitral ruling sa West Philippine Sea

Tiwala ang Philippine diplomat sa Washington, D.C. na patuloy na kikilalanin ni United States President Joe Biden ang July 2016 Arbitral Tribunal ruling sa West Philippine Sea na napanalunan ng Pilipinas laban sa China.

Ayon kay Philippine Ambassador Jose Manuel Romualdez, umaasa siyang itataguyod ng Biden Administration ang arbitral ruling.

Buo rin ang kanyang kumpiyansa na mas titibay ang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos sa bagong liderato.


Matatandaang inihayag noong Hulyo 2020 ni dating US Secretary of State Mike Pompeo na ang 9-dash line ng China sa South China Sea ay “unlawful” at buo ang kanilang suporta sa ibinabang desisyon ng The Hague tribunal.

Ang Pilipinas, Malaysia, Brunei, Vietnam at Taiwan ay may overlapping claims sa South China Sea.

Facebook Comments