Philippine Export Development Plan ipatutupad ni Pangulong Duterte

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Export Development Plan o PEDP na binuo ng Department of Trade and Industry na siyang magiging bahagi ng Philippine Development Plan.

 

Batay sa Memorandum Circular Number 62 na nilagdaan ni Pangulong Duterte ay inaaprubahan nito ang PEDP 2018-2022 ba inendorso ng Export Development Council o ExDC bilang pagsunod sa Republic Act numner 7844.

 

Nakasaad sa MC 62 ay inaatasan din ni Pangulong Duterte ang lahat ng kinauukulang tanggapan ng pamahalaan na isumite sa ExDC at sa Office of the President sa loob ng 60 araw ang lahat ng mga polisiya, programa at mga action plans na nakalinya sa PEDP at ipatupad ang mga ito.


 

Ang utos ni Pangulong Duterte ay para mapabilis ang pag-andar ng export goods sa buong bansa at para makapagbukas ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Facebook Comments