Philippine Football Federation, may bagong tahanan na

Sports – Magkakaroon na ng bagong tahanan ang Philippine Football Federation at maging ang lahat ng national teams ng bansa simula sa araw na ito.

Pormal na kasing ipinagkaloob sa PFF ng Manila Jockey Club ang FIFA Football Turf Project sa San Lazaro Leisure and Business Park sa Carmona, Cavite.

Sa nasabing proyekto itatayo ang football complex at stadium na kung saan titira at magsasanay ang Philippine Azkals at iba pang National Football Teams ng Pilipinas.


May FIFA certified 2-star artificial pitch din ang football complex na maari rin pagdausan ng mga international tournament.

Target din na maitayo ang isang 25,000 seater stadium na may mg a locker room, media center, dressing room at iba pang mga pasilidad.

Facebook Comments