Philippine Government, muling umapela sa North Korea kaugnay ng missile launch

37

Manila, Philippines – Umapela sa North Korea ang pamahalaan ng Pilipinas kasunod ng panibagong missile launch ng NoKor.

Sa statement ng Dept. of Foreign Affairs, iginiit nito na labag sa UN Security Council resolutions ang naturang hakbang ng North Korea.

Hindi rin anila ito makakatulong sa kapayapaan sa Korean Peninsula at maging sa international community.

Umapela rin ang DFA sa North Korea na bumalik sa pakikipagdayalogo.
DZXL558, Joyce Adra

Facebook Comments