Mula sa Masa para sa Masa, ipalalabas na mamayang gabi

29

Manila, Philippines – Mamayang gabi na ang premier airing ng TV program ni Pangulong Rodrigo Duterte na Mula sa Masa Para sa Masa.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, 7:00 mamayang gabi ay ipalalabas na ang nasabing programa kung saan mismong si Pangulong Duterte ang host at Rocky Ignacio ng PTV 4.

Sinabi ni Andanar na layon ng programa na iparating sa taumbayan ang mga programa ng administrasyon mula mismo kay Pangulong Duterte.

Matatandaan na ito rin ang ginagawa ni Pangulong Duterte noong siya ay mayor pa lamang ng Davao City kung saan naihahatid niya sa kanyang mga constituents ang mga proyekto ng lokal na pamahalaan at naipararating din sa kanya ang mga problema ng lungsod.
Photo from: facebook.com/presidentialcom

DZXL558, Deo de Guzman

Facebook Comments