Philippine History subject, ipinababalik sa high school curriculum

Hinamon ni ACT-Teachers Partylist Rep. France Castro ang susunod na administrasyon at kalihim ng Department of Education (DepEd) na ibalik ang Philippine History subject sa high school curriculum.

Ito ay para malabanan ang” fake news” at “disinformation” na may kaugnayan sa martial law regime.

Iginiit ni Castro na hindi dapat nagagamit ang edukasyon para mabago ang kasaysayan ng bansa.


Aniya pa, ang nakasisirang epekto ng kawalan ng asignatura sa pag-aaral sa kasaysayan ay mahalagang mabigyan ng pansin lalo’t may mga aksyon para sa historical revisionism.

Malaki rin aniya ang epekto ng pag-aalis ng Philippine History subject sa high school sa pagbagsak ng kalidad ng edukasyon na natatanggap ng mga kabataan.

Sa ilalim ng DepEd Order 20 ay bahagi ng naging educational reforms sa K to 12 ang pagtanggal ng Philippine History sa high school curriculum at isinisingit na lamang ang pag-aaral sa kasaysayan sa ilang mga subjects.

Facebook Comments