5 drug suspek, arestado sa Cavite

44

Huli ang limang drug suspek sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis sa Trece Martires City, Cavite.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga ito na sina Kadir Disimban Batao, 26 anyos, Cosain Pablo Bangon, 66 anyos, Hakim Disimban Batao, 24 anyos Mobarak Disimban Batao Jr., 22 anyos at Mobarak Dida Batao, 58 anyos.

Nakuha sa kanila ang sa ikinasang operasyon ng pulisya ang 300 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit ₱2 milyon at tatlong caliber 45 pistol.


Sa ngayon ay nahaharap na ang limang drug suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments