Philippine Hospital Association (PHA), umapela na ipahiram sa mga pribadong ospital ang mga nurse na nagtatrabaho sa gobyerno          

Umapela ang Philippine Hospital Association (PHA) sa gobyerno na ipahiram sa mga pribadong ospital ang mga nurse na nagtatrabaho sa gobyerno

Ayon kay PHA President Dr. Jaime Almora, isa sa mga kinakaharap na problema ng mga ospital ngayong panahon ng pandemya ay ang kakulangan ng mga nurse sa mga ospital.

Isa sa mga dahilan aniya ay ang paglipat ng mga nurse sa Philippine National Police (PNP) matapos taasan ang sweldo ng mga uniformed personnel ng pamahalaan.


Aniya, aabot sa 9,000 nurse ang kasalukuyang nasa PNP at gumagawa ng non-nursing job.

Dahil dito, umapela si Almora sa mga mambabatas na taasan ang sweldo ng mga nurse at magkaroon ng programa para mapataas ang bilang ng mga nursing school at student enrollees.

Facebook Comments