Manila, Philippines – Pinawi ni Philippine Institute of Volcanologyand Seismology (PHILVOCS) Director Renato Solidum ang pangamba na pagmumulan ngmalakas na lindol sa Metro Manila ang naganap na pagyanig sa Batangas noong Sabado(April 8).
Ayon kay Solidum, wala namang basehan ang kumakalat natext messages na yayanigin ng malakas na lindol ang Metro Manila.
Paliwanag pa ni Solidum, isang local fault line sa bayanng Mabini ang gumalaw noong weekend na siyang naging dahilan ng lindol.
Samantala, sa interview naman ng RMN kay Tom CarloSimborio, Science Research Assistant ng PHIVOLCS – nilinaw nito na walangkinalaman ang kambal na lindol na tumama sa Batangas noong Sabado sapinaghahandaang “The Big One”.
Dagdag pa ni Simborio, wala ring kaugnayan ang bagongtuklas na fault line sa bayan ng Mabini sa paggalaw ng west valley fault.
Samantala, gusto rin ni Batangas Governor HermilandoMandanas na humingi ng assessment report sa Malampaya lalo’t dumadaan sa ilalimng karagatan ng Batangas ang mahigit 500 kilometrong gas pipeline.
Philippine Institute of Volcanology and Seismology, may paglilinaw sa magkakasunod na lindol sa Batangas
Facebook Comments