Away sa loob ng gabinete, itinanggi ni Pangulong Duterte

26

Manila, Philippines – Itinanggi ni Pangulong RodrigoDuterte na may gulo o away sa loob ng kanyang gabinete.
 
Kaugnay ito sa sunod-sunod na pagsibak ng pangulo sailang opisyal ng gobyerno kung saan partikular niyang tinukoy si Office of the CabinetSecretary Usec. Halmen Valdez.
 
Sa kanyang departure speech sa Davao City kahapon, sinabing pangulo na ayaw niya na may mga corrupt official sa loob ng kanyangadministrasyon.
  Kasabay nito, muling inatasan ng pangulo ang NationalFood Authority, na sa mga local farmers bumili ng bigas at saka na lamangmag-angkat kapag kinapos.
 
Matatandaang, sinibak si Valdez matapos nitong paburanang pag-aangkat ng bigas gamit ang import permit ng mga pribadong rice traders’gayung government-to-government deal ang isinusulong ng NFA.

Facebook Comments