Pormal nang umupo si Major General Nestor Herico bilang bagong commandant ng Philippine Marine Corps.
Ito ay matapos magretiro sa serbisyo si Major General Ariel Caculitan makalipas ang 36 taon sa serbisyo.
Pinangunahan ni Philippine Navy flag officer-in-command Vice Admiral Adeluis Bordado ang change of command and retirement ceremony sa Fort Bonifacio sa Taguig City.
Sa kaniyang speech, sinabi ni Herico na sinisiguro niyang ipagpapatuloy ang mga nasimulan ni Caculitan na nagpatupad ng SMARTER Marine concept at Archipelagic Coastal Defense strategy.
Habang ilan naman sa kaniyang tututukan ay ang defense system management ng Marines at maayos na paglipat ng headquarters sa Morong, Bataan.
Bago nito, nagsilbi si Herico bilang Navy Vice Commander, Naval Inspector General, Commander ng 3rd Marine Brigade sa Palawan at Assistant Deputy Chief of Staff for Intelligence ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Nagtapos din siya ng local at international courses at trainings at miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Maringal” Class of 1988.