Metro Manila, nakahanda na sa Alert Level 1

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na nakahanda na ang National Capital Region (NCR) na maisailalim sa Alert Level 1.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, mababa na ang risk classification at healthcare utilization rate sa rehiyon.

Mahigit 90 porsyento na rin aniya ang vaccination rate sa mga senior citizen sa Metro Manila.


Sa kabila nito, sinabi ni Duque na nakadepende pa rin sa Inter-Agency Task Force kung isasailalim ang NCR sa Alert Level 1.

Aniya, ngayong araw ay magpupulong ang IATF para pag-usapan ang susunod na alert level sa bansa.

Facebook Comments