Philippine Marines, ideneploy na rin para tumulong sa ipinatutupad na Luzon ECQ

Naka-deploy na rin ngayon ang tropa ng Philippine Marines sa mga quarantine assistance stations sa Luzon.

Ito ay para tumulong na rin sa pagbabantay kaugnay sa umiiral Enhanced Community Quarantine (ECQ) para mapigilan ang pagkalat pa ng  2019 Coronavirus Disease (COVID-19).

Ayon kay Lieutenant Commander Maria Christina Roxas tagapagsalita ng Philippine Navy ang 12th Marine Batallion team  ang nakadeploy na ngayon sa mga quarantine assistance stations sa lalawigan ng Rizal, Marikina, Muntinlupa, Cavite at Laguna.


Mahigpit naman ang paalala ng liderato ng Philippine Marines at Philippine Navy sa mga nakadeploy na sundalo na ingatan ang mga sarili habang tinutupad ang kanilang tungkulin para hindi mahawa ng virus.

Matatadaang una nang kinumpirma ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na mahigit 600 mga pulis ngayon ang inoobserbahan dahil sa posibleng nahawa ng COVID-19 dahil sa pagbabantay sa mga quarantine checkpoint at mga border sa Luzon.

Facebook Comments