Philippine Medical Association, pinayapa ang publiko hinggil sa Monkeypox

Hindi dapat maalarma ang publiko sa banta ng Monkeypox.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Benito Atienza, presidente ng Philippine Medical Association (PMA) na kailangan lamang ay maging alerto sa mga sintomas na mararanasan ng isang indibidwal.

Paliwanag ni Atienza, magkakatulad kasi ang sintomas ng monkeypox, COVID-19 at trangkaso tulad ng sakit ng ulo at lagnat.


Ayon kay Atienza, dapat maging maagap ang publiko at magpakonsulta kung kinakailangan.

Kasunod nito pinayuhan ni Atienza ang publiko na ituloy lamang ang pagsusuot ng face mask, physical distancing at magkaroon ng maayos na ventilation sa bahay man o sa opisina.

Ugaliin din ang pagiging malinis sa katawan upang makaiwas sa anumang uri ng sakit.

Facebook Comments