SITG, binuo ng PNP para tumutok sa imbestigasyon sa naganap na magkasabay na pagsabog sa Isabela City, Basilan

48

Bumuo ng Special Investigation Task Force o SITG Isabela ang Police Regional Office-9 para mas matutukan ang naganap na magkasabay na pagsabog sa Isabela City sa Basilan.

Ayon kay Police BGen. Franco Simboro, regional director ng PRO-9 ang SITG Isabela ay pinangungunahan ni Deputy Regional Director for Operation, Police Col. Lou Evangelista.

Kahapon, nagsimula nang magpulong ang SITG Isabela at hiniling sa Regional Anti-Cyber Crime Unit 9 na i-enhance ang nakuhang CCTV footages sa pinangyarihan ng pagsabog at inaalam ang signature ng pinasabog na improvised explosive device.


Habang gumagawa na rin sila ng computer facial composite ng suspek batay sa description ng mga testigo.

Sa ngayon, extortion at harrasment para ma-divert ang atensyon ng militar mula sa pagsasagawa ng maigting na military operations ang nakikitang anggulo ng binuong SITG kaya isinagawa ang magkahiwalay na pagsabog.

Facebook Comments