Philippine Military Academy, may bago nang pinuno

Pormal nang umupo si Major General Rowen Tolentino bilang bagong pinuno o Superintendent ng Philippine Military Academy (PMA).

Pinalitan ni Gen. Tolentino si BGen Julius Tomines na nagsilbing acting Superintendent o Commandant of Cadets matapos magretiro si Lt. Gen. Ferdinand Cartujano nitong Hunyo.

Ginanap ang Change of Command Ceremony sa Fort Del Pilar sa Baguio City kung saan pinangunahan ito ni AFP Chief of Staff Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro.


Bago maitalaga sa PMA, nagsilbi si MGen. Tolentino bilang Commander ng 2nd Infantry Division, 703rd Infantry Brigade, gayundin ng 2nd and 3rd Mechanized Battalion ng Philippine Army at deputy commander, Training and Doctrine Command, Philippine Army; at Chief of Staff.

Dahil sa paglagda ng Republic Act 11709, si MGen. Tolentino ang kauna-unahang superintendent na magsisilbi sa PMA na may 4 year fixed term.

Sa talumpati naman ni AFP Chief of staff Bacarro, binigyang kahalagahan nito ang role ng PMA officials para sa paghubog ng mga kadete na kalauna’y magiging pinuno din ng ating bansa.

Facebook Comments