Philippine Military Academy pansamantalang isasara tuwing Weekdays!

Baguio, Philippines – Simula noong ika-23 ng Enero ay isinara na mula sa mga turista ang PMA tuwing weekdays at muling bubuksan tuwing Sabado at Linggo. 

Ayon kay Lt. Col. Harry Ballaga ang Spokesperson ng PMA, ang pansamantalang pagpapasara ay dahil na rin sa pag-aaral na isinasagawa ng nasabing akademya upang malaman kung nakakaapekto ba ang pagdami ng mga turista sa isinasagawang training ng mga kadete. 

Humihingi naman ng pasensya at pang unawa sa publiko si Lt. Col. Ballaga dahil ayon naman sa kanya ay para naman ito sa mas maayos na plano para sa mga pagdalaw ng turista sa PMA. 


iDOL, payag kaba sa aksyon ng pamunuan ng PMA?

Facebook Comments