PHILIPPINE NATIONAL GAMES | Premyo sa PNG 2018 – dinoble ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang opening ceremonies ng Philippine National Games (PNG).

Sa kanyang talumpati, hinimok nito ang Philippine Sports Commission (PSC) at mga lokal na pamahalaan na palakasin ang pagkikipagtulungan sa private partners para itaguyod ang Philippine Sports.

Sabi ni Duterte, ang mga premyo ngayong taon ay dodoblehin kung saan nasa 10 milyong piso ang maaring mapanaluhan.


Ang mga atletang lalahok ay nagmula sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Magtatagal ang kompetisyon hanggang May 25.

Facebook Comments