Manila, Philippines – Hindi na hahayaan pa ng Philippine National Police (PNP) na iligal na okupahan ng grupong Kadamay maging ang mga housing project ng gobyerno para sa mga pulis at sundalo sa Calamba, Laguna at General Trias sa Cavite.
Ayon kay PNP Sr./Supt. Dionardo Carlos – tanging ang pabahay lang sa Pandi, Bulacan ang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa Kadamay.
Aniya, ibang usapan na kung maging ang iba pang pabahay sa Cavite at Laguna ay lulusibin at aangkinin din ng Kadamay.
Nabatid kasi na nasa sampung-libong miyembro pa umano ng grupong kadamay ay wala pang bahay.
Una rito, inanunsyo ni Duterte kahapon na ipagkakaloob na niya sa Kadamay ang mga bahay na inokupahan ng mga ito sa Pandi, Bulacan.
Pinangakuan naman ng Pangulo ang PNP at AFP na bibigyan sila ng mas maganda at maayos na bahay na malapit sa kanilang trabaho.