Philippine National Police – nakafull alert na para sa Semana Santa at oplan summer vacation

Manila, Philippines – Naka-full alert na ang PhilippineNational Police ngayong Semana Santa at para na rin sa oplan summer vacation2017.
  Ayon kay PNP Spokesman Senior Superintendent DionardoCarlos – 75,000 pulis ang ipapakalat sa buong bansa para tiyakin ang seguridadng publiko ngayong panahon ng bakasyon.
  Partikular na babantayan ng pulisya at ang mga pantalan,terminal, paliparan, mga mall at iba pang matataong lugar habang ang pnphighway patrol group ang tututok sa mga pangunahing kalsada sa bansa.
  Sinabi ni Carlos na makakaasa ang publiko na buong pwersang pulisya ang gagamitin sa pagbibigay ng seguridad sa publiko lalo’t kanseladoang bakayson ng mga pulis.
   

Facebook Comments