Philippine National Railways, sisimulan na ang Manila-Clark project bago magtapos ang 2017

Manila, Philippines – Sisimulan na ng Philippine National Railways (PNR) ang kanilang Manila-Clark project bago magtapos ang 2017.

Sa interview ng RMN Manila kay PNR Spokesperson Jo Geronimo, madadagdagan ng pitong istasyon ang PNR sa pagbubukas ng Manila-Clark project na mayroong labing dalawang tren na patatakbuhin.

Ayon kay Geronimo, ang istasyon na madadagdag ay magsisimula sa Tutuban Station hanggang Clark International Airport.


Ihinayag ni Geronimo na ang bagong tren ay kapareho ng MRT at LRT na kayang magbigay serbisyo sa 350 thousand passengers.

Dagdag pa ng opisyal, na ang pamasahe mula tutuban hanggang Clark ay hindi aabot ng 200 pesos.

Target ng PNR na matapos ang proyekto sa 2021.

Facebook Comments