Jaro, Leyte – Mayroon ng naitalang isang sugatan philippine National Red Cross kaugnay sa lindol na naganap ngayong hapon na ang epicenter ay Jaro, Leyte.
Ang impormasyon ay galing kay Senator Richard Gordon na siyang chariman ng Philippine National Red Cross.
Ayon kay Gordon, agad nilang inalerto ang kanilang mga volunteers sa mga lugar kung saan naramdaman ang lindol.
Isa aniyang volunteer nila ang nag-report na mayroong isang babaeng nasugtan, ang dinala ng ambulance nila sa ospital.
Sa pagkakaaalam ni Senator Gordon, minor injuries lang ang tinamo ng biktima.
Ilang volunteers naman aniya ng Red Cross ang nag-report na wala ngayong kuryente sa Pastrana, Leyte at San Vicente, Samar.
Habang mayroon namang kino-construct na bahay sa Jaro, Leyte ang nagkaroon ng damage.