Hirit na imbestigasyon sa Pacquiao-Horn fight, ibinasura ng WBO

76

Manila, Philippines – Ibinasura ng World Boxing Council (WBO) ang hiling ni manny Pacquiao at ng Games and Amusement Board na magsagawa ng imbestigasyon sa referee at istilo ng scoring ng mga judges sa katatapos lang na Pacquiao-Horn fight.

Aniya, hindi na pwedeng baligtarin ang naging desisyon ng judges sa naturang laban.

Hindi naniniwala ang Australian boxer na si Jeff Horn na mismong si Pinoy Champ Manny Pacquiao ang nagsusulong na ipa-review ang naging laban nila noong linggo.


Matatandaang naging kontrobersyal ang Pacquiao – Horn fight matapos na sabihin ng ilang boxing fans na dinaya ang Pambansang Kamao.

Sabi ni Horn – napaka-humble na tao ni Pacquiao at napatunayan niya ito nang batiin siya ng Pinoy boxer pagkatapos na ianunsyong siya ang nanalo sa laban.

Posible aniyang mga tao lang sa paligid ni Pacquiao ang may gustong ipa-review ang laro.
Una nang sinabi ni Pacquiao na bukas siyang magkaroon ng rematch kay Horn na sinang-ayunan naman ng Australian boxer sa isang kondisyon dapat sa Australia pa rin gaganapin ang laban.



Facebook Comments