Pasok na ang Philippine National Women’s Football Team sa finals ng 2022 AFF Women’s Championship.
Ito ang kauna-unahang nakapasok ang bansa sa championship ng naturang kompetisyon.
Tinalo ng Pilipinas ang defending champion na Vietnam sa iskor na 4-0 kung saan nanguna sina Tahnai Annis at Sarina Bolden.
Nakatakda naman kalabanin bukas, July 17 ng Pilipinas ang Thailand.
Facebook Comments