Umiiral na COVID-19 alert level sa bansa, mananatili hangga’t walang bagong inilalabas ang IATF – Palasyo

62

Manananatili ang mga kasalukuyang umiiral na COVID-19 alert levels sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ito ang inihayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles kasunod ng pagtatapos kahapon ng itinakdang alert level mula July 1 hanggang July 15.

Ayon kay Angeles, status quo ang lahat ng alert levels habang hindi pa nagpupulong ang Inter-Agency Task Force sa Lunes, July 18.


Ibig sabihin, nasa Alert Level 1 pa rin ang Metro Manila at karamihan ng lugar sa bansa.

Sa ngayon, patuloy na tumataas ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 at ang mga active cases.

Facebook Comments