Philippine Navy Chief, nagnegatibo sa COVID-19

Negatibo ang resulta ng COVID-19 test ni Philippine Navy Flag Officer-in-Command Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo.

Matatandaan na sumailalim si Bacordo sa swab test noong Martes, July 14, 2020 kung saan sumailalim sa self-quarantine ang Navy chief makaraang dumalo sa commissioning ceremony ng BRP Jose Rizal sa Subic at isa sa Navy officers na dumalo sa pagtitipon ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon pa sa Philippine Navy, dalawang crew members ng BRP Jose Rizal ang nagpositibo sa COVID-19 matapos ang commissioning ceremony na kasalukuyang nasa quarantine facility na.


Samantala, naghahanda na rin ang Navy para sa pag-alis ng BRP Jose Rizal sa July 29, 2020 para sa Rim of the Pacific (RIMPAC) 2020 maritime exercise sa Hawaii.

Sasailalim naman sa RT-PCR testing ang mga tauhang kabilang sa RIMPAC maliban sa BRP Jose Rizal crew na nasa Philippine Arena.

Facebook Comments