Philippine Navy chief, nagpasalamat sa suporta ng Korea sa kanilang modernization program

Nagpasalamat si Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr., sa Republic of Korea sa kanilang suporta sa modernization program ng Philippine Navy.

Ito’y sa courtesy call ni ROK Navy Chief of Naval Operations Adm. Lee Jong-Ho at ng kanyang delegasyon kay VAdm. Adaci sa Philippine Navy Headquarters kahapon.

Napag-usapan ng dalawang opisyal ang patuloy na partnership ng dalawang bansa, kasunod ng ilang matagumpay na engagement sa mga nakalipas na buwan.


Nagpahayag din ng kasiyahan si VAdm. Adaci sa tulong ng Korea sa pagbuo ng mga bagong frigates, corvettes at offshore patrol vessels ng Philippine Navy sa South Korea.

Samantala, binati naman ni Adm. Lee Jong-Ho ang Philippine Navy sa kanilang matagumpay na aktibidad kamakailan, at nagpahayag ng pagnanais na magkaroon ng mas marami pang aktibidad sa pagitan ng Philippine Navy at Republic of Korea sa hinaharap.

Facebook Comments