Philippine Navy Contingent paalis na mamayang hapon para tumungo sa Middle East

Aalis ngayong hapon ang Philippine Navy Contingent na ipadadala sa gitnang silangan para umalalay sa repatriation ng mga OFWs na uuwi sa bansa sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Estados Unidos At Iran.

Ang send-off ceremony ay  pangungunahan ng Pangulong Rodrigo Duterte, kasama sina Defense Secretary Delfin Lorenzana At Philippine Navy Chief Vice Admiral Robert Empedrad, mamayang alas-kuwatro sa pier 13 ng Manila south Harbor.

Una nang sinabi ni Secretary Lorenzana na ipadadala ng Navy ang kanilang mga barko na  isang Del Pilar class frigate at isang Tarlac class landing dock ship na may sakay na isang company ng AFP humanitarian assistance personnel.


Matatandaang ang orihinal na plano ng ng AFP at magpadala ng dalawang batalyon ng sundalo para sa evacuation at proteksyon ng mga OFWS na maaring maipit sa kaguluhan kung magkaroon ng digmaan sa gitnang silangan.

Ngunit ayon kay Lorenzana dahil sa posibleng hindi magandang implikasyon ng pagpapadala ng mga armado at unipormadong sundalo sa tensyonadong lugar, minabuti ng gobyerno na mas maliit na bilang ng tauhan ang ipadala para sa humanitarian mission.

Maliban sa Philippine Navy, nakahanda rin ang Philippine Airforce na magpadala ng dalawang C-130s at isang C-295 transport aircraft sa gitnang silangan para magsakay ng mga OFWs pauwi ng Pilipinas, kung kakailanganin.

Facebook Comments