Nagbigay ng donasyon ang Philippine Navy sa Office of Civil Defense (OCD) para sa COVID response operations.
Ayon kay OCD Administrator Undersecretary Ricardo Jalad, aabot sa P3.3 milyon ang ibinigay ng Philippine Navy sa kanila para tulong sa gobyerno sa harap ng patuloy na pagtaas ng COVID cases sa bansa.
Si Philippine Navy Flag Officer-in-Command Admiral Giovanni Carlo Bacordo PN, ang nagprisinta ng donasyon sa virtual turnover ceremony kahapon.
Ayon kay Bacordo, ang donasyon ay mula sa subsistence allowance ng mga tauhan ng Philippine Navy para makatulong sa COVID-19 response operations ng gobyerno.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-ambag ng bahagi ng kanllang subsistence pay ang Philippine Navy Personnel na patunay na may bukas na puso ang mga sundalo.
Nagpasalamat naman si Usec. Jalad sa Philippine Navy, aniya ang donasyon ay gagamiting panggastos sa COVID-19 testing at quarantine facilities nationwide at pang tulong Oplan Kalinga program.