Nagdeploy ulit ang Philippine Navy nang kanilang mga tauhan sa mga lugar na nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) para magmando sa mga community quarantine.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Lt. Commander Christina Roxas, sinimulang i-deploy sa iba’t ibang quarantine checkpoints ang mga sundalong kabilang sa Philippine Navy.
Ito ay para tulungan ang ibang law enforcement agencies sa muling pagpapatupad ng mahigpit na quarantine guidelines upang maiwasan ang pagkahawa-hawa pa ng COVID-19.
Pero ayon kay Roxas, tuluy-tuloy ang effort ng Philippine Navy simula nang magsimula ang COVID-19 pandemic.
Aniya, walang tigil ang pagbiyahe nang kanilang mga barko para magdeploy ng mga tauhan sa mga sea entry points, airports, swabbing facilities at iba pang quarantine controlled areas.
Sa muli aniyang pagpapatupad ng MECQ sa National Capital Region at mga karatig lalawigan ay mas doble rin ang gagawin nilang effort para makatulong sa gobyerno na labanan ang pandemya.