Philippine Navy, nag-deploy ng helicopter para sa nagpapatuloy na search & rescue operations matapos lumubog ang 2 motor banca sa Palawan

Nagpapatuloy ang isinasagawang search and rescue operations ng Naval Forces West katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan sa 11 pasahero ng 2 motor banca na lumubog sa karagatang sakop ng Ilian Bay, Roxas, Palawan nitong Myerkules, January 24.

Ayon kay Capt. Ellaine Collado, Naval Forces West acting Public Affairs Officer agad na nag-deploy ang Philippine Navy ng helicopter para tumulong sa paghahanap ng 11 pasahero.

Sinabi ni Collado na malaki ang naitutulong ng naturang aircarft sa isinasagawang search and rescue operations ng mga awtoridad.


Aniya, sa kabila ng weather condition challenges ay tuloy-tuloy ang Naval Forces West sa kanilang operasyon upang matukoy ang kinaroroonan ng mga pasahero.

Kasunod nito, tiniyak ng Philippine Navy na hindi sila titigil hangga’t hindi natatagpuan ang mga biktima.

Facebook Comments