Pananatili ng itsura ng PH jeepney, iginiit ng liderato ng Kamara

Iginiit ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagpreserba sa itsura ng tradisyonal na pampasaherong jeep ng Pilipinas.

Diin ni Romualdez, ang jeepney talaga ang simbulo ng ating Pilipinas kaya dapat hindi ito mawala.

Sinabi ito ni Romualdez sa kanyang pakikipag-usap sa operators at drivers ng mga pampasaherong jeep na naglahad ng kanilang mga hinaing kaugnay ng implementasyon ng Public Utility Vehicle o PUV Modernization Program.


Tiniyak ni Romualdez na ang Kamara ay kumikilos para matulungan ang hanay ng mga tsuper at operator ng jeep na apekatdo ng PUV modernization program.

Facebook Comments