Philippine Navy, naharang ang isang motor vessel na may lulang undocumented na sako-sakong mga bigas sa Tawi-Tawi

Naharang ng mga operatiba ng Naval Forces Western Mindanao ang isang Motor Vessel (MV) Katrina V sa karagatang sakop ng Chongos Bay, Bongao, Tawi-Tawi nitong June 19.

Ang nasabing MV ay naglalaman ng sako-sakong undocumented na mga bigas.

Ayon sa Naval Forces Western Mindanao, nagsagawa sila ng inspeksyon sa naturang MV 670 yards hilaga ng Papahag Island, Tawi-Tawi bilang bahagi ng kanilang standard operating procedure.


Nang inspeksyunin tumambad sa mga awtoridad ang 6,000 sako ng bigas na walang kaukulang dokumento.

Agad ineskortan ng mga awtoridad ang MV Katrina V at kanyang crew sa Chinese Pier sa Bongao, Tawi-Tawi.

Nabatid na umaabot sa P12.7-M ang halaga ng mga hindi dokumentadong sako-sako ng bigas.

Sa ngayon, hawak na ng mga awtoridad ang mga crew ng MV habang itinurn over sa BOC ang mga nakumpiskang sako-sako ng bigas para sa custody and proper case disposition.

Facebook Comments