PHILIPPINE NAVY RESERVISTS CAGAYAN, NAGSAGAWA NG TREE PLANTING ACTIVITY

CAUAYAN CITY – Kasabay ng selebrasyon ng 45th National Reservist Week ay nagsagawa ng tree planting activity ang Philippine Navy Reservists Cagayan sa Brgy. Linao West, Tuguegarao City.

Kabilang sa nakilahok sa aktibidad ay ang 43 marine Reservists, mga opisyal ng 11th Marine Battalion Reserve Unit, mga opisyal ng barangay at marami pang iba.

Ito ay inisyatiba ni Sanitary Engr. Jeffrey Raymundo ng City Environment and Natural Resources (CENRO) katuwang ang LGU Tuguegarao.


Layunin nitong mapalakas ang adbokasiyang pangangalaga sa kalikasan upang mabawasan ang epekto ng climate change at kahalagahan nito sa komunidad.

Facebook Comments