Philippine Navy, tuloy ang pag-deliver ng tulong sa mga sinalanta ng Bagyong Odette sa Cebu

Naghatid ang landing craft na BRP Tausug ng construction supplies and relief goods sa ilang komunidad sa Cebu na naapektuhan ng Bagyong Odette.

Sa ulat ng Naval Forces Central, dinala ng BRP tausug sa ilang komunidad sa Cebu ang 763 food packs, 808 hygiene boxes, 250 sanitation packs, 35 kahon ng iba’t ibang construction tools, tatlong generator sets, sampung canvas rolls.

Maging ang 456 kahon ng reading materials, tatlong toneladang water bottles at containers, at iba pang relief items na tumitimbang ng 60 tonelada.


Nagmula ang mga donasyon sa Mandaue City, Cebu na tinanggap naman ng Local Government Units (LGUs) ng Surigao del Norte at Maasin, Leyte.

Sa pamamagitan ng mga field unit ng Armed Forces of the Philippines (AFP), patuloy silang nagbibigay ng humanitarian assistance at disaster response mula nang manalasa ang Bagyong Odette noong December 2021.

Facebook Comments