Philippine Olympic Committee, magbibigay ng libreng bikes sa mga national athlete

38
[COURTESY] FACEBOOK.COM/POC - PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE (Olympic.ph)

Magbibigay ng libreng bikes ang Philippine Olympic Committee (POC) para sa mga national athlete sa bansa kasunod ng inaasahang paglipat sa tinatawag na ‘new normal’ sa kasagsagan ng COVID-19.

Ayon kay Abraham Tolentino, Presidente ng POC, layon nitong makatulong sa mga national athlete na walang personal na transportasyon.


Makakatulong din aniya ito para makasunod sa social distancing at makaiwas sa masikip na trapiko para makapunta sa iba’t ibang lugar.

Hindi naman inanunsyo ng POC ang proseso para sa aplikasyon.

Facebook Comments