Biyahe papunta at pabalik ng Brazil, sinuspinde ni US President Donald Trump dahil sa COVID-19

86

Pansamantalang sinuspinde ni US President Donald Trump ang biyahe papunta at pabalik ng Brazil.

Kasunod ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Brazil na umabot na sa higit 365,000.


Ayon kay Trump, kailangang mag-ingat ng mga kalapit na bansa ng Brazil para hindi maging dahilan ito ng kanilang muling pagtaas ng kaso.

Hindi naman aniya magiging apektado ang kalakaran ng dalawang bansa kaya hindi dapat mabahala ang mga mamamayan.

Pangalawa ang Brazil sa buong mundo na may pinakamaraming kaso ng COVID-19, sinundan ng Russia, United Kingdom at Spain.

Facebook Comments