Binigyang pugay ng Philippine Red Cross (PRC) ang mga doktor sa selebrasyon ng 43rd National Physician’s Day ngayong araw.
Ayon kay PRC Chairman at CEO Senator Richard Gordon, patuloy pa rin ang serbisyo ng PRC sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng testing ng healthcare workers kada isa o dalawang linggo.
Sa ngayon, nakapagtala ang PRC ang 80,000 na healthcare workers mula noong nag-umpisa ang pandemya.
Aniya, nakikiisa ang PRC sa dedikasyon ng bawat Filipino physician sa pangangalaga ng kalusugan ng mga tao lalo na sa kinakaharap na pandemya ng bansa dahil sa COVID-19.
Dagdag pa ni Gordon, patuloy silang binigyang inspirasyon ng mga Pilipinong doktor na nagbibigay serbisyo sa mga kababayan araw-araw.
Dahil dito, taus-puso namang nagpapasalamat si Gordon sa mga physician ng ating bansa.