Bantay ng palaisdaan, natagpuang patay sa lanyang kubo

32

Kalibo, Aklan – Patay na ng matagpuan kaninang umaga ang isang lalaking bantay sa palaisdaan sa Sito Mahabang Bantod, Pook, Kalibo, Aklan. Ang biktima ay kinilalang si Edwin Briones Ubas Sr., 63-anyos, tubong Man-up, Batan at kasalukuyang nakatira sa nasabing lugar. Sa panayam ng RMN News Team kay Mrs. Aida Galicano, na kahapon ay nagkasalubong sila ng biktima sa daan kung saan tinanong nya ito kung saan pupunta at sumagot naman daw na kukuha ng kanyang pinabiling gamot. Kaninang umaga nakatakda sanang mag harvest sila ng bangus pero ng gigisingin n asana ito ay doon na nalamang patay ang biktima sa loob ng kanyang kubo. Ang biktima ay dating gwardya sa Bataan at umuwi dito sa Aklan may dalawang taon na dahil sa nagkasakit at nagbabantay na lamang ng palaisdaan ngayon. Ipinaalam na rin sa pamilya ng biktima ang nangyari sa kanya. Sa ngayon ay hinihintay pa ang mga taga SOCO sa lugar para na ma-imbestigahang mabuti at masiguro na walang foul play ang pagkamatay nito.

Facebook Comments