Philippine Red Cross, naghahanda na sa posibleng hagupit ng Bagyong Lannie sa bansa

Pinaghahandaan na ng Philippine Red Cross (PRC) ang mga chapter nito sa posibleng pananalasa ng Bagyong Lannie sa bansa.

Sa ngayon, gumagalaw ang Bagyong Lannie sa kipot ng Surigao at ibabaw ng coastal water ng Liloan, Southern Leyte patungong hilagang-kanluran ng Visayas.

Ayon kay PRC Chairman at CEO Senator Richard Gordon, kailangang malaman ng komunidad ang 4Ps- predict, plan, prepare at practice lalo na sa mga komunidad upang malaman kung ano gagawin sa mga hindi inaasahang sitwasyon tulad ng sakuna.


Narito ang mga sumusunod na paalala ng PRC kapag may bagyo:
1. Bumuo ng disaster kit na naglalaman ng suplay na tatagal sa loob ng tatlong araw o 72 na oras.
• Isang galon ng tubig para sa isang tao kada araw
• Non-perishable food
• Flashlight at extra na baterya
• First aid kit at medication
• Kopya ng mga importanteng dokumento
• Ibang gamit tulad ng diaper para sa mga bata at iba pang miyembro ng pamilya na may espesyal na pangangailangan

2. Gumawa ng emergency plan at tiyaking alam lahat ng tao sa inyong bahay ang plano

3. Alamin ang mga updates sa pamamagitan ng pakikinig sa balita at lokal na awtoridad

Samantala, inaasahan namang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Lannie sa darating Huwebes, Oktubre 7.

Facebook Comments